September 4, 2021Education

Edukasyon Muna

Noon pa man, ang edukasyon ay isa na sa mga pokus ng pamahalaang panlalawigan ng Tarlac tungo sa pagpapaunlad ng mga komunidad. Iba't ibang mga programa at proyekto ang inilunsad upang makapagbigay ng suporta sa mga kabataang Tarlakenyo upang maipaabot sa kanila ang kanilang karapatan sa edukasyon.

Patuloy na dumarami ang mga kabataan na natutulungan ng scholarship programs pamahalaang panlalawigan kaya naman nagpapatuloy din ang pagsasaayos at pagpapaunlad ng mga proseso na nagsisilbing pamatnubay para makuha ang mga benepisyo nito.

8
2
4
5
6
7
24
21
22
20

Sa matagal na panahon, naging tunguhin ng pamahalaang panlalawigan ang pagbibigay ng de-kalidad at inklusibong suporta para sa mga iskolar lalong-lalo na sa mga nangangailangan anuman ang kanilang pinanggalingan sa buhay.

Sa katunayan, nitong 2020 ay nasa 1,325 estudyante mula sa probinsya ang mga naging benepisyaryo ng mga scholarship grants mula sa pamahalaang panlalawigan ng Tarlac sa pangunguna ni Gov. Susan Yap.

Para makapag-apply sa scholarship program ng pamahalaang panlalawigan, kinakailangan na ihanda ang mga sumusunod na requirements:
  1. A. General Weighted Average (GWA) of 1.0 – 2.0 (Level 1)
    B. General Weighted Average (GWA) of 2.01 – 2.5 (Level 2)
  2. Original Copy and Photocopy of Latest Report of Grades
  3. Certificate of Registration
  4. Certificate of Good Moral Character (Last school
    attended)
  5. Original barangay clearance
  6. Original certificate of indigency
  7. Photocopy of school ID
  8. Social Case Study from your municipal DSWD
  9.  BIR Tax Exemption (Name of Parent/Guardian)
  10.  Drug test result
  11.  Passport size photo with nametag (1 pc.)
23
10

Leave a Reply

Your email address will not be published.